Mga wika

Aralin 1

Kami ay may dalang mabuting balita. Nangako ang Diyos na tayo ay patatawarin at mamahalin, bibigyan tayo ng buhay na walang hanggan, malaya sa kasamaan, at malapit na pakikipagkaibigan habang tayo ay sumusunod at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

Ikaw ba ay naniniwala patungkol dito? Nakikita mo ba kung ano ang ibig sabihin nito para sa iyo?

Sinasabi ng Bibliya na tayo ay isinilang upang magmahal, sumunod, at magsaya sa Diyos magpakailanman, ngunit hindi natin magagawa.

Bakit?

Dahil ipinanganak tayong hiwalay sa kanya sa dalawang paraan.

Una, hindi natin siya kilala at hindi natin kayang magmahal ng hindi natin kilala.

Pangalawa, tayo ay ipinanganak na may masasamang pagnanasa na naghihiwalay sa atin sa buhay, kaalaman, at pag-ibig ng Diyos. Ang ating masasamang pagnanasa ang dahilan ng kamatayan, sakit, kawalang-katarungan, digmaan—lahat ng kalungkutan sa buhay.

Paano tayo inilalayo ng ating masamang pagnanasa sa Diyos?

Ang puno ng kasamaan ay ang pagiging makasarili na nakakasira ng relasyon. Habang ang lalaki ay napapalapit sa kanyang asawa mas madali niyang nakikilala kung paano maaaring makasakit sa kanya ang kanyang mga salita, kilos, at iniisip. Gayon din sa ating relasyon sa Diyos. Habang lumalapit tayo sa Diyos, mas nauunawaan natin kung paano sinisira ng ating kasamaan ang pagiging malapit sa kanya.

Ano ang sagot ng Diyos sa ating pagkahiwalay sa kanya?

Pinili ng Diyos na magpakatao upang maibalik ang malapit na relasyon sa atin. Ang taong iyon ay si Hesus.

Bakit mahalagang maging tao ang Diyos?

Una, ang personal na kaugnayan sa atin. Pangalawa, para maranasan ang ating saya, sakit, at pakikibaka. Pangatlo, upang akuin ang kaparusahan sa ating kasamaan sa pamamagitan ng pagkamatay niya(Hesus). At pang-apat, upang muling mabuhay at hugasan ang ating kasamaan, dalhin tayo sa malapit na relasyon sa kanya at bigyan tayo ng buhay na walang hanggan.

Pinili ni Hesus na mamatay para sa atin pansamantala upang patunayan na pinarurusahan ng Diyos ang kasamaan. Hindi natin gusto ang isang Diyos na hinahayaan ang kasamaan na hindi mapaparusahan. Ang kamatayan ni Hesus ay isang garantiya na hindi ito gagawin ng Diyos, dahil pinili niyang parusahan ang kanyang sarili para sa ating kasamaan, kahit na hindi siya kailanman gumawa ng anumang kamalian.

Ang higit na layunin niya ay palayain tayo mula sa ating masamang hangarin at baguhin ang ating mga puso upang tayo ay mamuhay ng dalisay sa pakikipagrelasyon sa kanya. Ito ang tinutukoy ng Bibliya bilang “ipinanganak na muli.” Nangangahulugan ito ng ganap na pagbabago, pamumuhay nang malaya mula sa pagkaalipin sa ating mga masasamang hangarin, sa malapit na pakikipagaugnayan sa Diyos.

Nangangahulugan iyon na ang mabuting balita ay hindi lamang nagtatapos sa pagtanggap ni Hesus sa ating kaparusahan.

Sinasabi ng Bibliya na pagkatapos mamatay ni Hesus, siya ay bumangon mula sa mga patay at nabuhay muli. Nag-aalok siya sa atin ng isang panibagong buhay: ang buhay na ganap at kasiya-siya. Kapag tinanggap natin ang hindi kapani-paniwalang alok na ito, ang kanyang Espiritu ay magsisimulang mamuhay sa loob natin at dahan-dahang pinapalitan ang ating masasamang pagnanasa ng lumalagong pagnanais ng kabutihan.

Ang proseso ng ating pagiging malinis at perpekto ay tinatawag na pagpapabanal. Hindi tayo perpekto hanggang sa matapos ang buhay na ito. Gayunpaman, ang proseso ay nagbibigay ng mga praktikal na resulta kaagad.

Ang mga resultang iyon ay tinatawag na bunga ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, kahinahunan, katapatan, at pagpipigil sa sarili. Kung tayo ay mga Kristiyano, tayo ay lalago sa mga katangiang ito. Kung hindi, panahon na para sumuko sa Diyos at maging mas malapit sa kanya sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya, pagtalikod sa kasamaan, pagdarasal, at pagsamba sa kanya.

Hindi natin mapalago ang bunga ng Espiritu. Tanging ang Banal na Espiritu lamang ang makakapagpahayag ng ating pagmamahal kay Kristo.

Sinasabi ng Bibliya na kailangan nating pasanin ang ating krus at sumunod kay Hesus. Ang salitang iyon ay isang simbolo na kumakatawan sa pagkamatay ng ating pagkamakasarili. Kung paanong pinasan ni Hesus ang kanyang sariling krus (isang kasangkapan sa pagpapahirap!), at siya ay namatay na nakapako, kailangan din nating gawin ang parehong simbolo sa pamamagitan ng pagkamatay ng ating pagkamakasarili.

Bakit ito mahalaga? Dahil ang ating makasariling hangarin ay hindi tugma sa hangarin ng Diyos. Si Hesus ay nangangailangan ng ganap na pagsuko at pagtitiwala. Hinihiling niya na ipagpalit natin ang ating makasariling hangarin para sa Diyos. Ito ay upang ipakita natin ang pagmamahal, sa pamamagitan ng abang paglilingkod sa Diyos at sa kanyang bayan.

Kapag tayo ay sumuko at pinili natin ang Diyos bilang tanging kasiyahan natin, binibigyan niya tayo ng lakas at pagnanais na sundin siya. Ito ay tulad nang hayaan natin si Hesus na maging hangin na ating nilalanghap. Araw-araw. Hanggang sa araw na tayo ay mamatay. Ito ang nagbibigay sa atin ng lakas ng loob na magtiwala na kapag inutusan niya tayong tratuhin ang ating mga kaaway nang may pagmamahal, tutulungan niya tayong gawin ito.

Ang relasyon natin kay Hesus ang pinakamalapit na relasyon na ating mararanasan dahil nasa loob natin ang kanyang Espiritu. Ang relasyong ito ay magbabago sa iyong buhay habang ikaw ay nagtitiwala at sumusunod sa Diyos nang may pag-ibig. Pagkatapos, kapag nagkamali ka, tutulungan ka niyang parangalan ang Diyos.

Maaaring iniisip mo na ang ganitong uri ng buhay ay pipigil sa iyo na matamasa ang isang normal na buhay. Ikinalulugod naming iulat na ang pagmamahal at pagsunod sa Diyos ay nagbigay-daan sa amin upang matamasa ang kapayapaan at kagalakan ng Diyos sa buhay.

Kahit na hindi tayo ganap na malaya sa masamang hangarin natin sa buhay na ito, at nagkakamali pa rin tayo, ang ating pagmamahal kay Hesus ay siyang nag-uudyok sa ating masasamang hangarin kaya't sila ay nawalan ng lakas. Ginagawa ito ng Diyos upang malaya tayong magsaya sa kanya, ang mundo, at ang relasyong ibinigay niya sa atin sa kadalisayan.

Ang pangako na mahirap paniwalaan ng karamihan sa atin ay binabago ng Diyos ang ating mga hangarin. Totoong ginagawa niya ito. Dahil kung hindi, ang mabuting balita ay hindi magiging mabuting balita.

Bakit hindi mas maraming Kristiyano ang namumuhay nang maayos?

Ang bawat Kristiyano ay maaaring mamuhay nang malaya sa kasamaan, ngunit may mga pagkakataong tumatanggi tayo. Minsan pinipili natin ang kasamaan kaysa kay Hesus, kahit tayo ay Kristiyano na.

Ang ilan ay pinipigilan na makaranas ng kalayaan mula sa kasamaan dahil hindi sila naniniwala na ito ay posible o na ang Diyos ay nag-aalok nito. Ang iba ay tumatangging mamuhay nang malaya sa kasamaan dahil ito ay magastos. Dahil ito ay nangangailangan ng kabuuan, patuloy na pagsuko sa Diyos.

Ano ang ibig sabihin nito?

Pagkatapos nating sumuko sa Diyos, inuutusan tayong magpatuloy sa pagsuko. Ito ay kailangan mangyari palagi sapagkat lahat tayo ay may posibilidad na manumbalik sa pagiging makasarili. Tinatawag ito ng Bibliya na kalikasan ng kasalanan. Nasa atin ito mula sa araw na tayo ay ipinanganak hanggang sa araw na tayo ay mamatay.

Habang tayo ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos, tumalikod sa kasamaan, nagdarasal, sumasamba, nagbabasa ng Bibliya, at nakikibahagi sa komunidad kasama ng iba pang mga Kristiyano, ang Espiritu ni Kristo sa loob natin ay nagsisimulang baguhin ang ating mga hangarin at bigyan tayo ng progresibong kalayaan mula sa kalikasan ng kasalanan.

Ang paglago ay nangangailangan ng oras. Huwag mawalan ng pag-asa sa proseso. At huwag gamitin ang kabagalan ng paglaki bilang isang dahilan upang hindi lumago.

Ang pagpaparangal sa Diyos ay nagdudulot ng pangmatagalang kasiyahan at kapayapaan na wala sa mundong ito. Hindi tayo tumatalikod sa kasamaan dahil lang masama ito; tumatalikod tayo sa kasamaan upang masiyahan ang Diyos.

Tinatawag tayo ng Diyos na sumama sa kanya sa paggawa para sa kanyang kadakilaan. Pagkatapos nating sumuko sa kanya, binibigyang inspirasyon niya tayo na ibahagi ang magandang balita na ito sa iba, na tinatawag na ebanghelismo, at tuturuan sila kung paano ito mararanasan, na tinatawag na pagiging alagad.

Napakaganda ng ibinibigay niya sa atin na kapag naranasan natin ito, hindi natin mapigilan ang ating sarili na ibahagi ang tungkol sa kanya. Kapag naranasan natin na ang Panginoon ay mabuti, natural na gugustuhin nating sabihin sa mga tao para maramdaman nila ang kalayaan at kagalakan na ibinigay sa atin.

Muli, narito ang mabuting balita (ang pinakamagandang balita!): Nangako ang Diyos na mamahalin at patatawarin tayo, bibigyan tayo ng buhay na hindi magwawakas, kalayaan mula sa kasamaan, at malapit na pakikipagkaibigan sa kanya hangga't nagtitiwala at sumusunod tayo sa kanya nang may pag-ibig. Kung tayo ay tapat hanggang sa katapusan ng ating buhay, ipinangako ng Diyos na bibigyan tayo ng isang bagong katawan na ganap na malaya mula sa sumpa ng masasamang hangarin, kamatayan, at pagkasira, upang mamuhay kasama niya magpakailanman.

Ang masamang balita ay ang lahat ng tumatanggi sa alok ng Diyos ay magdaranas ng walang katapusang kaparusahan at pagkahiwalay sa Diyos na lahat tayo ay nagtamo sa pamamagitan ng ating kasamaan.

Ang mabuting balita ng Diyos at ang masamang balita ng kung ano ang nangyayari kapag tinanggihan natin siya, ito ang Mabuting Balita ang pinakamahalagang katotohanan sa ating buhay.

Nabubuhay tayo para luwalhatiin ang Diyos at magsaya sa kanya magpakailanman. Madalas nating iniisip na kailangan nating pumili sa pagitan ng isang buhay na nakalulugod sa ating sarili at isang buhay na nakalulugod sa Diyos. Ang katotohanan ay ang magpatalo sa masamang hangarin ay hindi nakalulugod sa atin sa mahabang panahon. Ang pagpapakasasa sa kasamaan ay humahantong sa depresyon, isang nasirang pakiramdam ng pagpapahalaga sa sarili, at pagkagumon sa mapangwasak, masasamang pag-uugali. Namumuno sa atin ang kasamaan, nagdurugo ng ating kagalakan, at iniiwan tayong guwang at nag-iisa. Ginagawa tayong mga alipin.

Kapag pinili nating tingnan ang ating sarili bilang handang mga lingkod sa kabutihan ng Diyos sa halip na mga alipin ng kasamaan, ang presensya ng Diyos sa ating buhay at ang mga dakilang kaloob na ipinangako niya sa atin sa Mabuting Balita ay nagbibigay sa atin ng kagalakan at kalayaan sa anumang bagay.

Ang kailangan lang ay ang lahat. Lahat ng ating pagsuway para sa lahat ng kanyang kapatawaran, buhay, at mapagmahal na kabaitan.

Ang pinakamadaling paraan upang matandaan ito ay sa pamamagitan ng Ang Tula ng Kaligtasan:

Hesus, sa krus, ika’y namatay
Nabuhay muli para mundo’y iligtas
Kasalanan ko ay patawarin mo
Maging panginoon, kaibigan ko
Tulungan mong magsimula muli
Buhay ko’y alay sa iyo

Hukayin ng Mas Malalim

Basahin ang Juan kabanata 17, na isang talaan ng isang panalanging ni Hesus para sa iyo at sa akin nang direkta bago mamatay. Subukang isulat ang anumang mga detalye na sa tingin mo ay kawili-wili tungkol sa sinabi ni Hesus, pagkatapos ay basahin at talakayin ang iyong mga tanong sa ibang Kristiyano. Ano sa palagay mo ang pagdarasal ni Hesus para sa iyo, sa personal na antas?

Nakaraan Listahan Listahan Susunod